Sorry po
Manay, bihira na ko magupdate kasi ba naman pag-uwi ko sa bahay, hagardness na ko at pagod na rin. Di bale malapit ko na matupad yung pinapangarap ko *__* Konti na lang!! Ahhh!! Hay 2 weeks pa yun ¬_¬
Tatlong gabi nakakaraan nanaginip ako na nagupitan ko ng maikli yung bangs ko. Kanina nagkatotoo sya XD;; Hayy, di bale hahaba rin naman to u-u;;;
Angsarap ng weekends, hindi ko kailangang gumising ng maaga at pwede akong manood ng tv maghapon ^-^;; Kanina, inulit kong panoorin yung Vanilla Sky, grabeh, isang dyosa si Penelope Cruz, tama ba?? Siya ba yung gumanap na Sophia?? Gusto ko talaga yung story nun kasi masyadong tragic pero tama lang yung nangyari nung huli na pinili ni David yung real-life nya. Tapos nakakatawa yung Faking It, yung lawyer na nagtrain para magpanggap na totoong wrestler. Sayang hindi ko napanood yung last week na dugyuters na minake-over nila para maging male model. Pasensya na t.v. ang buhay ko ngayon, hindi naman ako lumalabas paggabi. Sawa na ako kakabarkada, masakit sa ulo pati ang hang-over.
Mamaya pupunta si Yiying sa bahay. Hay naku ewan ko dun. Pinsan ko yun, sabi nga ni Mama sa kanya "alam mo sayang ka, guwapo ka pa naman, b*** ka". Pano kasi repeater nung Grade 6 sya, tapos ngayong school year ay pangatlong pagkakataon na magfi-first year sya. Kung hindi sya nagulit-ulit eh di sana 4th year high school na sya. Sabi nga ng auntie ko, gusto niya isama sa Bridge Program si Yiying. Andami kayang bagsak dun sa exam na yun. Ang problema sa ibang magulang ayaw nila isama sa Bridge Program mga anak nila kahit bagsak sa exam. Kasi nga daw dagdag gastos lang pero me mga bagay silang hindi naiisip na yung anak nila mga average na pag napabayaan at isinama sa mainstream first year ay maaaring maging repeater lang o pwedeng ipasa ng teacher dahil sa awa pero wala namang laman ang utak. Dito sa amin, 1/2 nung kumuha ng test ang bagsak. Ibig sabihin mababa comprehension level nila kaya nga kailangan silang i-Bridge kasi yung lessons dun ay ibaba sa comprehension level nila at tuturuan sila at mas mabibigyan sila ng focus para nga matuto. Ewan ko sa mga Pilipino, ayaw ata ng quality education. Ayun i-rereview ko yun si Yiying, hay naku, sana
po pumasa sya. Yung kapatid ko, si Anya isa pa yun. Pano kasi puro laro, puro practice ng sayaw, puro t.v. at F4 nasa utak. Kung hindi yun pinagtyatyagaan si Anya na turuan ng auntie ko, ewan ko dun, hindi rin yun magiintindi ng pag-aaral. Si Yiying naman puro barkada tsaka yung gf inaatupag. Madami na rin kasi ngayong distractions mga bata tsaka yung mga magulang naman hindi pinipressure mga anak nila. Tangna bakit nung ako, ang higpit sa akin. Paghindi ako nakakuha mataas na grade, walang mga bagong gamit tsaka mataas na allowance, paghindi ako nag-aral pagagawin ako gawaing bahay. Unfair yun!! Tapos si Anya.. *hay* At least nag-aaral na rin sya ngayon =/
HAPPY INDEPENDECE DAY SA PILIPINAS!!!
Test made by
Jei

You're Blowjobs/Boners! You, my friend, are just so
sexually active that it's disgusting.
What's Your Porn Genre?
brought to you by Quizilla
Hey, I never had.... o.o;; Dont worry I didnt gave you a bad rating =p
Currently listening to: Ride Wit You- Joe
Currently feeling: naiirita